Pumunta sa nilalaman

Eskriba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.

Ang eskriba ay isang dalubhasa sa batas, kaya't tinatawag ding guro ng batas.[1][2] Isa itong taong may natatanging pagsasanay sa pagbasa at pagsulat ng mahusay. Sa unang pakahulugan, isa lamang itong taong ang hanapbuhay o negosyo ay ang pagsusulat ng mga kasulatan o papeles para sa ibang tao,[1] o isang propesyunal na manunulat na tagasipi o tagakopya ng mga dokumento o manuskrito.[2][3] Noong kapanahunan ni Hesus, naging katulad na ang mga eskriba ng isang manananggol dahil naging mga maalam at eksperto na sila sa paggamit at pagtuturo ng batas ng Hudaismo.[1] May ilang mga eskribang hinirang na maglingkod o magtrabaho para sa sinaunang mga hari upang maghanda ng mga dokumentong opisyal. May ilan sa mga ito ang naging mahahalagang mga taong opisyal.[2] Sa makabagong kahulugan, tumutukoy ito sa isang kawaning pampubliko, sa isang kalihim (tinatawag ding sekretaryo kung lalaki, samantalang sektretarya naman kapag babae ang kalihim).[3] Sa panahon na pinangyarihan ng Bagong Tipan, nagtuturo at nagpapaliwanag ang mga guro ng batas, na mga lalaki, ng hinggil sa mga pagtuturo ng Lumang Tipan, partikular na ang ukol sa unang limang aklat ng Bibliya.[4]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Scribe, teacher of the law'". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 American Bible Society (2009). "Scribe". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135.
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Scribe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. American Bible Society (2009). "Teachers of the Law, Scribe; Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134-135.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.