Pumunta sa nilalaman

Napoleon II ng Pransiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Napoleon II)
Napoléon II
Emperador ng Pranses
Hari ng Roma
Duke ng Reichstadt
Paghahari22 Hunyo 1815 - 7 Hulyo 1815
Buong pangalanNapoléon François Joseph Charles Bonaparte
SinundanNapoleon I
KahaliliLouis XVIII (bilang Hari ng Pransiya)
Joseph Bonaparte (bilang puno ng mga Bonaparte)
Bahay MaharlikaBonaparte
AmaNapoleon I ng Pransiya
InaMarie Louise, Duchess of Parma

Napoléon François Joseph Charles Bonaparte (20 Marso 1811 – 22 Hulyo 1832), Duke ng Reichstadt, ay anak ni Napoleon I ng Pransiya at ng kanyang ikalawang asawa na si Marie Louise ng Austria. Nang siya ay pinanganak, tinawag siya na "Your majesty - King of Rome" o "Hari ng Roma" na ayon sa kanyang ama ay titulong karapatdapat sa kanyang tagapagmana. Inangkin ng kanyang ama na ilipat sa kanya ang titulong Emperador ng Pranses noong 1815.

Simula ng Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Napoléon II, Emperador ng Pranses

Si Napoleon II ay ipinanganak sa Paris noong 20 Marso 1811. Tatlong taong nakalipas, ang Unang Imperyong Pranses ay bumagsak at ang kanyang ama na si Napoleon I ay pilit na ilipat sa kanya ang trono, ngunit di pumayag si Emperador Alexander ng Rusya. Si Napoleon II ay kinuha ng kanyang ina papunta sa Château de Blois noong Abril 1814. Noong 1815, pagkatapos ng pagkatalo ng kanyang ama sa Waterloo, bumaba ulit ang ama niya sa trono sa kanyang pabor. Isang araw, pagkatapos ng abdikasyon ni Napoleon I, ang Komisyon ng Pamahalaan ng limang miyembro ang kumuha ng pamumunong Pransiya, humihintay sa pagbabalik ni Haring Louis XVIII na nasa Cateau-Cambresis. Ang Komisyon ay humawak ng kapangyarihan at hindi namuno si Napoleon II bilang emperador. Ang pagpunta ng mga Allies sa Paris noong Hulyo 7 ay nagdala ng mabilisang pagtatapos ng mga kahilingan ng mga tagasuporta ni Napoleon II.

Duke ng Reichstadt

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos noong 1815, ang batang prinsipe, na ngayo'y kilala bilang "Franz" (mula sa kanyang lolo na si Emperador Francis ng Austria), ay nanirahan sa Austria. Siya ay ginawaran ng titulong Duke ng Reichstadt noong 1818.

Masyado siyang malapit kay Princesa Sophie ng Bavaria at may nagpanukala na siya ang tunay na ama ng kinabukasang Emperador Maximilian I ng Mexico, ngunit ang panukalang ito ay hindi nakatanggap ng pagsangayon. Namatay siya sa tuberculosis noong 22 Hulyo 1832 sa Palasyo ng Schönbrunn. May mga pahayag na ang kanyang kamatayan ay resulta ng paglalason sa kamay ng mga ahente ni Metternich

Pinaglibingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 15 Disyembre 1940, ang mga labi ng Duke ng Reichstadt ay nailipat mula sa Vienna patungo sa simboryo ng Les Invalides sa Paris. Ito ay ginawang "regalo" sa Pransiya ng dikatador na si Adolf Hitler ngunit hindi ito na ikinasaya ng mga Pranses. Noong 15 Disyembre 1840, ang mga labi ni Napoleon I ay inilipat doon at ang batang prinsipe ay namahinga kasama na kanyang ama sa madaling panahon. Inilipat ang mga labi ni Napoléon François Joseph Charles Bonaparte sa mababang simbahan. Karamihan ng kanyang labi ay nailipat sa Paris, ngunit ang kanyang puso at bituka ay nanatili sa Vienna.

Ang mga Bonaparties ay isinangguni siya bilang "Hari ng Rome" at bilang Napoleon II, Emperador ng Pranses kahit na walang opisyal na proklamasyon. Ang susunod na Bonaparte na pumunta sa trono ng Pransiya ay gumamit ng pangalang Napoleon III sa pagrespeto sa kanya. Kilala rin siya bilang "L'Aiglon", or "The Eaglet". Sumulat ng isang palabas na L'Aiglon si Edmond Rostand tungkol sa buhay ni Napoleon II.