Pumunta sa nilalaman

Asuncion

Mga koordinado: 25°18′00″S 57°38′00″W / 25.3°S 57.6333°W / -25.3; -57.6333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Asuncion

Nuestra Señora Santa María de la Asunción
capital region, lungsod, big city, border city, largest city
Watawat ng Asuncion
Watawat
Eskudo de armas ng Asuncion
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 25°18′00″S 57°38′00″W / 25.3°S 57.6333°W / -25.3; -57.6333
Bansa Paraguay
LokasyonCapital District, Paraguay
Itinatag1537 (Huliyano)
Ipinangalan kay (sa)Pag-aakyat sa Langit kay Maria
Lawak
 • Kabuuan117 km2 (45 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2022)[1]
 • Kabuuan462,241
 • Kapal4,000/km2 (10,000/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166PY-ASU
Websaythttps://www.asuncion.gov.py/

Ang Asunción (NK /əˌsʊnsiˈɒn/, EU /ɑːˌsnsiˈn,_ɑːsnˈsjn/,[2][3][4] Kastila: [asunˈsjon]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Paraguay. Matatagpuan sa kaliwang pampang ng Ilog Paraguay, halos pinagtatagpo ang ilog na ito sa Ilog Pilcomayo, sa lupalop ng Timog Amerika. Hinihiwalay ng Ilog Paraguay at ang Look ng Asunción sa hilagang-kanluran ang lungsod mula sa Rehiyong Oksidental ng Paraguay at Arhentina sa timog na bahagi ng lungsod. Pinapalibot ang natitirang bahagi ng lungsod ng Gitnang Departamento.

Isang awtonomong kabiserang distrito ang lungsod, na hindi bahagi ng kahit anong departamento. Tinatawag na Gran Asunción ang kalakahang lugar, na kinabibilangan ng San Lorenzo, Fernando de la Mora, Lambaré, Luque, Mariano Roque Alonso, Ñemby, San Antonio, Limpio, Capiatá at Villa Elisa, na bahagi ng Gitnang Departamento. Umaabot sa mga dalawang milyon ang mga naninirahan sa kalakhang lugar ng Asunción. Nakalista ang munisipalidad ng Asunción sa Palitan ng Sapi (o Stock) ng Asunción bilang MUA.

Isa ang Asunción sa pinakamatandang lungsod sa Timog Amerika at ang pinakamahabang patuloy na tinitirhan na lugar sa Palanggana ng Rio de la Plata; sa kadahilanang ito, nakilala ito bilang "ang Ina ng mga Lungsod." Mula Asunción, ang mga ekspedisyong kolonyal ay umalis upang maghanap ng ibang lugnsod, kabilang ang ikalawang pagkakatatag ng Buenos Aires at ibang mahahalagang lungsod ng Villarrica, Corrientes, Santa Fe at Santa Cruz de la Sierra.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.ine.gov.py/censo2022/documentos/1%20Resultados%20finales%20poblacion.pdf.
  2. "Asunción" (sa Ingles) Naka-arkibo 2019-05-30 sa Wayback Machine. (Estados Unidos) at "Asunción". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 30 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Asunción". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 30 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Asunción". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)