Pumunta sa nilalaman

Badminton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Peter Gade, isang manlalaro ng badminton sa Olympics na nagmula sa bansang Dinamarka.

Ang badminton[1] ay isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa. Ito ay maaaring laruin ng dalawang magkalabang manlalaro (isahan) o kaya ng dalawang magkalabang pares (paresan), kung saan sakop ng isang manlalaro o pares ng manlalaro ang kalahati ng isang parisukat na palaruan. Ito ay paghihiwalayin ng isang lambat (net).[2] Ang isang panig ay makakapagkamit ng puntos sa pamamagitan ng paghataw ng shuttlecock gamit ang raketa, patawirin sa ibabaw ng net at pabagsakin ito sa sahig ng kalabang panig. Ang isang rally ay natatapos kapag ang shuttlecock ay bumagsak sa sahig, at ito ay kailangang paluin ng isang (1) beses lamang ng bawat panig bago ito lumagpas sa net.

Ang shuttlecock (o shuttle) ay uri ng bola na nagtataglay ng kakaibang katangian na erodinamiko. Ito ay dahil sa labing-anim na balahibong maayos na nakasuksok sa paligid nito na nagbibigay ng mataas na hila ng hangin kung saan ito ay mabilis na bumabagal kumpara sa ibang bola. May kakayanan din ito na umabot sa pinakasukdulang bilis nito kumpara sa ibang palakasan sa parehas na kategorya. Dahil ang lipad ng shuttle ay lubusang naaapektuhan ng hangin, ang badminton ay kadalasang ginaganap sa isang saradong palaruan. Maaari din itong laruin sa labas katulad ng isang hardin o sa aplaya, ngunit ito ay hindi opisyal bagkus pangkasiyahan o pampamilya lamang.

Mula noong 1992, ang badminton ay ibinilang bilang larong olimpiko at ito ay mayroong limang kaganapan: lalaki at babaeng isahan, lalaki at babaeng paresan at magkahalong pares, kung saan ang isang pares ay binubuo ng isang lalaki at isang babae. Sa isang mataas na antas ng paglalaro, ang palarong ito ay nangangailangan ng atletang lakas, liksi at kahustuhan. Dahil sa bilis na taglay ng shuttle, nangangailangan din ito ng maayos at tamang koordinasyon ng iba't ibang parte ng katawan tulad ng mata, binti at paa, braso at kamay.

Ang isang set ay nilalaro hanggang 21 puntos, kung saan ang manlalaro ay nakakakuha ng puntos sa tuwing nananalo ito sa rally kahit hindi siya ang nag serve (ito'y iba sa dating sistema kung saan ang isang manlalaro ay makakakuha lamang ng isang puntos kung siya ang nag serve ng bola at ang isang set ay nilalaro hanggang 15 puntos). Kinakaylangang manalo ng 2 set ang isang panig upang siya ay magwagi sa laban.

Kung ang iskor ay nagtabla sa 20, ang laro ay magpapatuloy hanggang ang isang panig ay lumamang ng 2 puntos (tulad ng 24-22), hanggang sa 30 puntos lamang (30-29 ay ang pang panalong iskor).

Bago magsimula ang isang laban, ang shuttlecock ay hinahagis at pag ito'y lumapag na sa sahig kung kanino matapat ang ulo nito ay siyang unang mag s'serve. Maaari din namang gawin ang paghagis ng barya. Kung sino man ang makakahula ng tama, siya ay may pribilehiyong mamili kung gusto niyang mag serve o siya ang unang tatanggap ng bola o maaari siyang mamili kung anong parte ng court ang gusto niyang gamitin at kung ano ang matitira ay ang mapipili ng kalaban.

Isinalin mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Badminton#Scoring

Ang court ay hugis-parihaba at nahahati ito sa dalawa nang net. Ang court ay madalas nakamarka para sa larong singles at doubles. Ang pang doubles na court ay mas malaki kaysa sa pang singles na court bagamat pareho ang haba nito.

Ang buong lapad ng court ay dalawampung talampakan at sa isahang laro ang lapad ay nababawasan at nagiging labing pitong talampakan na lamang. Ang buong lapad ng court ay 44ft. Ang panimulang tira ay may marka sa gitna na hinahati ang lapad ng court gamit ang short service line na may distansya na anim na talampakan at anim na pulgada mula sa net, sa pang labas at likod na bahagi. Sa doubles,ang service court ay may marka sa pamamagitan ng mahabang service line na dalawang talampakan at anim na pulgada mula sa likod na hangganan.

Ang net ay limang talampakan at isang pulgadang taas sa gilid at limang talampakan ang taas mula sa gitna. Ang mga poste ng net ay nakalagay sa gilid ng doubles court kahit ang laro pa ay singles.

Isinalin mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Badminton

  1. English, Leo James (1977). "Badminton". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Depinisyon mula sa reference.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-24. Nakuha noong 2008-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.