Pumunta sa nilalaman

Hayop Ka!

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story
Hayop Ka!
DirektorAvid Liongoren
Prinodyus
Sumulat
  • Manny Angeles
  • Paulle Olivenza
Itinatampok sina
Produksiyon
TagapamahagiNetflix
Inilabas noong
  • 29 Oktubre 2020 (2020-10-29) (Netflix)
BansaPilipinas
Wika
  • Filipino
  • Ingles

Ang Hayop Ka!, kilala rin sa pamagat nito sa Ingles na Hayop Ka! (You Son of a Bitch!),[1] Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story[2] (Tinagalog: Hayop Ka! Ang Kuwento ni Nimfa Dimaano), at You Animal!,[3][4] ay isang pang-matandang pelikulang animasyong romcom na dinirek ni Avid Liongoren. Prinodyus ng Rocketsheep Studios at Spring Films, ito ang kauna-unahang pelikulang animasyon mula Pilipinas na ipinalabas sa Netflix.[5][6] Itinatampok ng pelikula ang mga boses ni Angelica Panganiban, Robin Padilla, at Sam Milby.

Ipinalabas ito sa Netflix noong 29 Oktubre 2020 para ilang piling teritoryo at bansa.[6]

Tindera ng pabango sa isang mall si Nimfa, isang isinataong (anthromorphized) pusa. Dyanitor naman sa naturang mall ang nobyo niyang si Roger, isang mongrel na aso. Subalit, biglang gumulo ang mundo niya nang makita't makilala niya si Iñigo, isang negosyanteng aso. Magawa kaya niyang makalabas sa love triangle na ito?

  • Angelica Panganiban bilang si Nimfa Dimaano, isang pusang kulay-kahel na nagtitinda ng pabango sa isang mall.
  • Robin Padilla bilang si Roger, isang matipunong mongrel na aso, na isang dyanitor at nobyo ni Nimfa.
  • Sam Milby bilang si Iñigo Villanueva, isang asong negosyante.

Ayon kay Liongoren, ang konsepto ng pelikula ay unang lumutang pagkatapos ng produksyon nila sa Saving Sally. Nagsisilbi itong kabaligtaran sa tema (thematic opposite) ng naunang pelikula.[7] Dagdag pa niya, tatlong taon na nila itong ginawa para makuha ang pagiging komikal ng pelikula.[7]

Nilabas ng Rocketsheep Studios ang teaser trailer nito noong 13 Mayo 2019 sa YouTube,[8] at ang buong trailer nito noong 5 Setyembre 2019.[4]

Noong ika-21 naman ng Setyembre 2020, inanunsyo ng Netflix na ipapalabas ang pelikula sa kanilang platform sa Pilipinas sa darating na 29 Oktubre 2020.[6] Nilabas naman ang opisyal na trailer nito noong 12 Oktubre 2020.[9]

Reaksyon bago ipalabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkaanunsyo ng Netflix sa naturang pelikula, nagkaroon ng isang panawagan na i-boycott ang pelikula dahil kasama sa mga nagboses nito si Robin Padilla, isang kilalang tagasuporta ni Rodrigo Duterte.[10] Binatikos ng ilan ang naturang panawagan, at pinapanawagan na lang sa Netflix na palitan si Robin Padilla. Marami naman ang nagbigay a mga social media site ng suporta sa mga gumawa ng pelikula at sa industriya sa pangkalahatan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Amidi, Amid (11 Setyembre 2019). "Trailer: 'You Son Of A Bitch,' Adult Romantic-Comedy From Philippines" [Trailer: You Son Of A Bitch, isang pang-matandang romcom mula Pilipinas]. Cartoon Brew (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. Estrella, Fiel (6 Enero 2020). "11 Filipino movies to watch out for in 2020" [11 Pelikulang Pilipinong dapat panoorin ngayong 2020]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2023. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "You Animal!". Netflix Media Center (sa wikang Ingles). 22 Setyembre 2020. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 "HAYOP KA! (YOU ANIMAL!) - Full Trailer". YouTube (sa wikang Filipino). rocketsheep studio. 5 Setyembre 2019. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 "Netizens have mixed reactions to boycotting first PH animated film on Netflix because of Robin Padilla" [Hati ang reaksyon ng mga netizen sa pag-boycott sa unang pelikulang animasyon ng PH sa Netflix dahil kay Robin Padilla]. LionhearTV (sa wikang Ingles). 22 Setyembre 2020. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 "LOOK: Angelica Panganiban stars in first Filipino adult-animation Netflix original" [TINGNAN: Pinagbibida ni Angelica Panganiban ang kauna-unahang pang-matandang animasyong Pilipino na [isang] orihinal ng Netflix]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. 7.0 7.1 "'Hayop Ka!' Looking to Further Original Filipino Animation" [Balak payabungin ng Hayop Ka! ang mga orihinal na Animasyong Pilipino]. Rotoscopers (sa wikang Ingles). 16 Oktubre 2019. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. "HAYOP KA! Teaser May 2019". YouTube. rocketsheep studio. 13 Mayo 2019. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "WATCH: Netflix releases trailer for 'Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story'" [PANOORIN: Nilabas ng Netflix ang trailer ng 'Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story']. Rappler (sa wikang Ingles). 12 Oktubre 2020. Nakuha noong 13 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. Biong, Ian (22 Setyembre 2020). "Support for 'Hayop Ka!' pushed despite call for boycott over Robin Padilla's casting" [Suporta sa Hayop Ka!, tinutulak, kahit na may panawagang pag-boycott dahil sa pagka-cast kay Robin Padilla]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]