Pumunta sa nilalaman

Isaac Asimov

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isaac Asimov
Kapanganakan2 Enero 1920
    • Rusia Sovietica
  • (Klimovichskiy Uyezd, Gomel Governorate, Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya)
Kamatayan6 Abril 1992
MamamayanRusia Sovietica
Estados Unidos ng Amerika
Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya
NagtaposColumbia University
Trabahobiyokimiko, nobelista, prosista, awtobiyograpo, manunulat ng science fiction, manunulat ng non-fiction, propesor ng unibersidad, mamamahayag, screenwriter, manunulat
AnakRobyn Asimov
PamilyaStanley Asimov
Pirma

Si Dr. Isaac Asimov (c. 2 Enero 1920 – 6 Abril 1992, orihinal na sinusulat bilang Исаак Озимов ngunit ngayon ay sinusulat na sa wikang Ruso bilang Айзек Азимов) ay isang Amerikanong Hudyo na ipinanganak sa Rusya. Isa siyang biokemiko at manunulat na kilala sa kanyang mga akdang kathang-isip na pang-agham at kanyang mga popular na aklat agham. Ang pinakatanyag na gawa ni Asimov ay ang Foundation Series na bahagi ng isa sa kanyang mga malalaking serye, ang Galactic Empire Series, na kalauna'y napag-isa rin sa Robot Series. Sumulat din siya ng mga akdang misteryo at pantasya, gayundin ng maraming di-piksiyon. Sumulat at nakapag-edit si Asimov ng higit kumulang 500 bolyum at 90,000 sulat at poskard, kung saan nakapag-ambag siya sa bawat kategorya ng Sistemang Desimal ni Dewey maliban sa Pilosopiya. Sa karamihan, tinagurian si Asimov bilang bihasa sa siyensiyang piksiyon, at kasama sina Robert A. Heinlein at Arthur C. Clarke, kinilala siya bilang isa sa "Big Three" o Malalaking Tatlo ng siyensiyang piksiyon.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.