Limpa (likido)
Ang limpa ay isang uri ng pluwido ng katawan na panlaban sa bakterya. Nagdadala ito ng taba mula sa bituka at nagdurulot ng mga limposito o limposayt sa dugo.[1] Ito ang likidong nakapaligid at sumasapin sa bawat isang selulang nasa loob ng katawan. Katulad ito ng serum o ang payak na pluwido ng dugo subalit walang kulay. Natitipon ang limpa sa loob ng mga sisidlan ng limpa at naglalakbay din sa mga lalagyang ito ng limpa, na katulad ng sa nangyayari sa loob ng mga ugat na bena. Kumukunekta ang sistema ng limpa o sistemang limpatiko sa sistema ng dugong malapit sa puso. May mga kulani (mga lymph node) sa kahabaan ng mga sisidlan ng limpa, na gumaganap bilang mga pansalang sumasala sa mga mikrobyo at iba pang mga nakapipinsalang mga sustansiyang napupunta sa loob ng katawan.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Lymph - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "Lymph, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.