Panunumpang Olimpiko
Ang Panunumpang Olimpiko ay isinasaalang-alang ng isang manlalaro at isang hukom sa seremonya ng pagbubukas ng bawat Palarong Olimpiko.
Ang manlalaro, mula sa kuponan ng namumunung-abalang bansa, ay humahawak sa dulo ng Watawat ng Olimpiada habang binibigkas ang panunumpa:
- Sa ngalan ng lahat ng mga mananaligsa, ipinapangako ko na gagampanan bilang bahagi ng Palarong Olimpiko, gumagalang at sumusunod sa mga tuntunin na namamahala sa kanila, mapagkakatiwalaan kami sa isang palakasan na walang paggamit ng narkotiko at walang droga, sa tunay na diwa ng mabuting pakikipaglaro, ukol sa kaluwalhatian ng palakasan at dangal ng mga ating koponan.[1]
Ang hukom, mula rin sa namumunung-abalang bansa, tulad din na humahawak sa dulo ng watawat subali't may kaibahan nang bahagya sa pagbibigkas ng panunumpa:
- Sa ngalan ng lahat ng mga hukom at tagapamahala, ipinapangako ko na maglilingkod kami sa aming tungkulin sa mga Palarong Olimpikong ito na walang kinikilingan at walang pinapanigan nang lubos, gumagalang at sumusunod sa mga tuntunin na namamahala sa kanila sa tunay na diwa ng mabuting pakikipaglaro.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang panawagan ukol sa panunumpa ay ipinahayag noong 1906 ng tagapagtatag at pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko na si Pierre de Coubertin sa Revue Olympique (Pagsusuring Olimpiko sa wikang Pranses).[1] Ginawa ito sa kusa upang tiyakin na walang kinikilingan at walang pinapanigan.[1]
Ang Panunumpa ng Olimpiko ay unang nabighani sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920 sa Antwerp ng isang manlalaro ng Eskrima/polong pantubig. Ang unang panunumpa ng hukom ay nabighani sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1972 sa Sapporo.
Ang panunumpa ni Victor Boin noong 1920 ay
- Sumusumpa ako. Gagampanan namin bilang bahagi sa Palarong Olimpiko sa diwa ng matandang kaugalian ng kagandahang asal, ukol sa dangal ng ating bansa at ukol sa kaluwalhatian ng palakasan.[1]
Noong 1961, ang "sumusumpa" ay napalitan ng "ipinapangako" at "dangal ng mga ating bansa" sa "dangal ng mga ating koponan" sa isang halatang pagpupunyagi upang mabawasan ang pagkamakabansa sa Palarong Olimpiko.[1] Ang bahagi na may alintana sa paggamit ng narkotiko ay nadagdagan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000.
Mga tagapagbigkas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga manlalaro at hukom na nakapagbigkas ng Panunumpang Olimpiko ay nakatala sa ibaba.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Wendl, Karel. "Ang Panunumpa ng Olimpiko - Isang Maikling Kasaysayan" Citius, Altius, Fortius (Pahayagan ng Kasaysayan ng Olimpiada mula 1997). Taglamig 1995. mga pahinang 4,5. Naka-arkibo 2008-09-07 sa Wayback Machine.
- ↑ 2.0 2.1 "IOC 2008 Summer Olympics". Olympic.org. Nakuha noong 2011-10-24.