Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga malimit itanong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Wikipedia ay isang malawak na ensiklopedia. Pero may mga iba na nahihirapan na mag-edit nito o kaya ay may pag-bawal na ibig nilang itanong. Pakitignan kung ang tanong ninyo ay narito na po. Kung gusto magtanong tungkol sa mga artikulo at pagsalin, pumunta lamang sa Wikipedia:Konsultasyon. Muli, mabuhay!

Mga tanong

T (tanong): Bakit tinatawag ang proyektong ito bilang ang "malayang ensiklopedya"? Di ba dapat libre (o walang bayad) imbis na malaya?

  • S (sagot): Tinutukoy ng "malaya" ang "kalayaan" tulad ng "malayang pamamahayag". Malayang ensiklopedya ang Wikipedia dahil malayang gamitin, pag-aralan, baguhin at ipamahagi ang nilalaman nito, na walang makabuluhang restriksyon sa kalayaan ng tao. Para sa marami pang impormasyon, tingnan ang artikulong malayang nilalaman (free content sa Wikipediang Ingles).

T: Sino ang may-ari ng Wikipedia?

  • S: Sinusuporta ng Pundasyong Wikimedia ang teknolohiyang nasa likod ng Wikipedia, na sinusuporta din ang ibang kapatid na proyekto tulad ng Wiktionary, Wikibooks, at iba pa, at pagmamay-ari nito lahat ng mga pangalang dominyo (domain names) nito. Dati, naka-host ang websayt sa mga server ng Bomis, isang kompanyang na karamihang pagmamay-ari ni Jimmy Wales. Sa pabatid ng Pundasyong Wikimedia noong Hunyo 20, 2003, nailipat lahat ng pagmamay-ari ng pangalang dominyo sa Pundasyon. Pinapatakbo ang websayt ng mga pamayanang Wikipedista na ginagabayan ng limang haligi.
  • Binabago o pinapatnugot ng maraming tao ang mga artikulong naka-host sa websayt na ito, na sinang-ayunan ng bawat isa na ilabas ang kanilang konstribusyon sa ilalim ng lisensyang Creative Commons Attribution-ShareAlike. Sa tumpak na pananalita, malayang nilalaman ang mga artikulo at maaring malayang muling gawin sa ilalim ng ganitong lisensya. Tingnan ang Wikipedia:Karapatang-ari para dagdag na impormasyon tungkol dito.
  • Sa batas, pagmamay-ari ng mga nag-ambag ang kontribusyon nila. Hindi sila tali sa lisensya at maari nilang gamitin ang kanilang pagmamay-ari sa paraang nais nila. Bagaman, kinakailangan ng mga midya na may maraming may-akda ang pahintulot mula sa bawat nag-ambag upang magamit ang mga ito ng iba mula sa mga kasunduan ng lisensya ng Wikipedia.

T: Puwede bang baguhin o ipatnugot ang lahat ba nang artikulo sa Wikipedia?

  • S: Halos lahat ng mga artikulo sa Wikipedia ay puwedeng baguhin o paunlarin. May mga artikulong protektado sa pambababoy katulad ng Unang Pahina. Ang mga ganap na protektadong artikulo ay pwede lamang baguhin ng mga adminisrator o tagapangasiwa.

T: Paano ba magbago ng mga artikulo sa Wikipedia?

  • S: Kailangan matuto ang isang tagagamit (user) ng "wikang Wiki". Ang pag-eedit dito ay hindi kung ano ang isinulat mo lalabas may mga tamang formatting na dapat sundin. May tutorial na inimumungkahi and ilang tagagamit dito. Basahin din ang Wikipedia:Paano baguhin ang isang pahina.

T: Ano ang padron?

Paunawa: Tungkol ito sa kung ano ang kahulugan ng salitang "padron" kaugnay ng gawaing pang-Wikipedia. Para sa kahiwalay na lathalaing nasa Wikipedia, basahin ang artikulong padron.
  • S: Sa orihinal na kahulugan, ang padron ay isang pamakuan ng sahig o kisame. Ngunit sa Tagalog Wikipedia, naging kasingkahulugan ito ng template o mga huwaran, modelo, o padron na ginagamit para sa paggawa ng maraming kopya ng isang bagay. Dahil dito sa padron idinidikit o "ipinapako" ang mga titik na naglalaman ng impormasyon o kabatiran na ginagamit para idikit o ilagay naman sa iba pang mga pahina. Bilang dagdag, tinatawag na padron sa Wikipedia ang anumang pahina na ginagamit sa ganitong paraan na ginagaya ang nilalaman ng isang pahina sa pamamagitan ng transklusyon (transclusion) o paglilipat at pagkopya. Ang pahina ng padron ay may ganitong pangalan: Padron:Pangalan ng pahina. Kapag ginagamit ganito ang anyo nito: {{Halimbawang pangalan ng pahina}}.

T: Papaano ko gagamitin ang padron?

  • S: Ang isang mabuting halimbawa ng paggamit ng padron ay ang makikitang ginagamit sa artikulong Noli Me Tangere. Kapag pinundot mo ang buton o pindutang baguhin makikita mo ang {{Mga Kabanata ng Noli Me Tangere}}. Kinopya at idinikit ang padron na ito sa lahat ng mga pahina hinggil sa mga kabanata ng lathalaing Noli Me Tangere (mula kabanata 1 hanggang 25). Dahil dito napadali ang trabaho o gawain ng nagsulat ng mga pahinang ito. At nakakatulong pa sa mambabasa para makapunta sa iba pang mga pahina dahil may mga kulay asul na kawing ito papunta sa mga pahinang iyon.

T: Ano ang iba't ibang uri ng padron?

  • S: Maraming mga uri ng padron at naaayon ang mga ito kani-kaniyang mga kagamitan o kapanginabangan. Dahil sa mahirap ang paulit-ulit na pagmamakinilya ng pare-parehong mga pangungusap, ginagamit ito sa pagpapadali ng pag-uulit ng mga sanggunian, kahong-kabatiran (infobox), kahong pangnabigasyon o kahong pangpaglilibot (navigation box o navbox), o mga pantatak na pabatid sa itaas ng mga pahina ng artikulo, at iba pang katulad na paggamit.

T: Paano ako gagawa ng artikulo?

T: Papaano magpormat ng mga pangungusap?

T: Ano ang mga Kaurian (Kategorya)?

  • S: Ang Kaurian o Kategorya ang nagsisilbing pangkat kung saan kabilang ang isang lathalain o artikulo. Nakakatulong ang mga ito sa paghahanap ng isang mambabasa sa isang lathalain o artikulong nasa loob ng isang ensiklopeyang katulad ng Tagalog Wikipedia. Lahat ng mga pahina sa Wikipedia ay kabilang o kasama sa isang kaurian o kategorya, maliban na lamang sa panturo o panuto (mga redirect) na tumuturo o pumupunta lamang kaagad patungo sa isang mas angkop na pahina ng lathalain. Matatagpuan ang mga kaurian sa ilalim o ibaba ng pahina ng isang artikulo. Isang halimbawa ng kategorya ang Kaurian:Agham. Mapapansin na mayroon din itong sariling kaurian, na mapupuntahan din ng mambabasa para sa iba pang mga lathalain.

T: Wala bang Tala ng mga Nilalaman (Table of Contents) dito?

T: Papaano ko malalaman kung naitala na ang mga artikulong nagawa ko?

  • S: Malalaman mo kung naitala na ang artikulong ginawa mo kung pagkatapos mong pindutin ang pindutang Itala ang pahina (o Sagipin) ay lumitaw na ang mga isinulat o idinagdag mo na nasa anyo ng isang lathalaing pangwiki. Habang nagsusulat ka ng bagong pahina, mapupuna mo ang isang salitang nagsasabing artikulo sa gawing pang-itaas na bahagi ng pahina na nananatiling kulay pula. Kapag pula pa ito, ibig sabihin ay hindi pa nasasagip o naitatala ang bago mong lathalain. Magiging asul ang salitang artikulo at mapapalitan ng pamagat ng lathalain o pahinang ginawa mo. Matitiyak mo pa rin kung nakatala na nga ang lathalain o pahinang ginawa mo kapag susubukan mong hanapin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat ng lahatlain o pahinang ginawa mo sa kahong nasa ibaba lamang ng salitang hanapin sa gawing kaliwa. Kung tama ang pagbabaybay mo o pagkakasulat mo, dadalhin ka doon pagkaraan mong pindutin ang pindutang Punta o Hanapin. Matutunghayan mo rin ang galaw o kalagayan ng iyong lathalain sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga huling pagbabago na nasa kaliwa rin ang kawing.

T: Bakit ang daming Wiki? (Wikipedia, Wiktionary, atbp?)

  • S: Ang wiki ay isang uri ng websayt na nagpapamahagi at nag-iimbak ng malaya o libreng kaalaman kung saan pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman, na nagreresulta sa pagpapalitan ng kaalaman. Subalit mayroong iba't ibang wiki sapagkat, bagaman magkakaugnay, at iisa ang layunin ng mga ito - ang magpamahagi ng kaalaman - mayroon silang kani-kaniyang kapakinabangan.

T: Ano ang gamit ng iba't ibang Wiki?

  • S: Naririto ang buod ng paglalarawan at kapakinabangan ng ilan sa mga pangkaraniwang wiki:
Pangalan ng wiki
Paglalarawan/Pakinabang
Wikipedia
Isang malaya o libreng ensiklopedyang mapag-aambagan ng mga lathalaing mababago at mapapainam ninuman, at malilimbag din. Gumaganap na pangunahing wiki ng isang wika sa kadalasan.
Wiktionary
Isang malaya at pangmaramihang wikang talahuluganan o diksiyonaryo na may kahulugan, etimolohiya (pinagmulan ng salita), pagbigkas, halimbawa ng paggamit ng mga salita, mga singkahulugan, mga salungatkahulugan at mga salin.
Wikinews
Isang websayt ng mga balitang isinusulat ng mga tagapag-ambag o kontributor.
Wikimedia Commons
Isang database o kalipunan ng mga nakasalansang dato na pang-midya kung saan sinuman ay maaaring mag-ambag ng mga larawan, tunog, panoorin (palabas o bidyo), at iba pang talaksan. Dito karaniwang iniaambag at nakukuha ang malalayang mga larawang ginagamit sa Wikipedia at iba pang mga proyekto.
Wikibooks
Isang koleksiyon o katipunan ng mga libre o may malayang-nilalamang pang-araling aklat na puwedeng baguhin, dagdagan, at painamin ninuman.
Wikisource
Isang websayt na aklatan na may malayang nilalamang mga lathalain o publikasyon. Tinitipon ito at pinanatiling kapaki-pakinabang ng nakikilahok na pamayanan.
Wikiquote
Isang malayang kalipunan sa internet ng mga may sangguniang sipi ng mga pagbanggit mula sa mga bantog na tao at malikhaing mga akda sa iba't ibang wika, mga salinwika mula sa mga pinagmulang hindi nasusulat sa Ingles, at mga kawing sa Wikipedia para sa mas marami o karagdagang mga kabatiran.
Wikispecies
Isang bukas at malayang palaturuan ng mga uri o espesye ng hayop na sumasakop sa Animalia, Plantae, Fungus, Bakterya, Archaea, Protista at lahat ng iba pang mga anyo ng buhay.
Wikiversity
Isang websayt na nakatuon sa mga pang-araling mapagkukunan, mga proyektong pampag-aaral, at pananaliksik na magagamit sa lahat ng mga antas, uri, at estilo ng edukasyon mula bago tumuntong sa pormal na paaralan (pre-school) hanggang sa pamantasan. Kabilang din ang makadalabuhasang pagsasanay o pagtuturo at hindi pormal na pag-aaral. Sa pook na ito ninanais na makilahok ang mga guro, mga mag-aaral, at mga mananaliksik upang patuloy na makalikha ng bukas na pang-edukasyong mga mapagkukunan at nagtutulungang pamayanang pampag-aaral.
Wikimedia
Meta-wiki
Isang websayt tungkol sa mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia, kasama ang Wikipedia at ang sopwer na MediaWiki na nagsisilbi bilang pagsasakatuparan o implementasyon ng isang wiki.
Translatewiki.net
(Betawiki)
Pook kung saan isinasagawa ang mga pagsasalinwika, pakikipagtalasan, at pagpapanatili ng mga sopwer o programang pangkompyuter sa maginhawa o madaling paraan, bago ipasa sa MediaWiki na siya namang magsasagawa ng pagsasakatuparan ng mga nagawa o natapos nang pagsasalin.

T: Papaano ba direktang makakapunta sa Wikipediang Tagalog?

  • S: Direktang makakapunta sa Tagalog Wikipedia kung gagamitin ang URL na http://tl.wikipedia.org o kaya http://tl.Wikipedia.org/Unang Pahina. Sagipin mo ang URL na ito sa iyong mga paboritong puntahan (o favorites). Maaari ka ring gumawa ng shortcut o "tuwirang daan" sa iyong desktop (sa monitor o panooran/tanawan).

T: Kailangan ba talagang purong Tagalog ang salita, bakit hindi na lang Filipino?

  • S: Sa pangkalahatan, hindi naman kailangang purong Tagalog. Hinihimok na hangga't maari purong Tagalog. Tandaan din na kapag sinabing purong Tagalog, hindi kasama dito ang mga salitang inimbento at di malawak ang paggamit. Hindi tinatanggap sa pangkahalatan sa Wikipedia ang mga salitang inimbento. Para sa karagdagang sagot sa tanong na ito, basahin ang mga patnubay at halimbawa sa Wikipedia:Pamantayang pangwika at Wikipedia:Pagsasalinwika.

T: Paano ba maglagay ng mga larawan?

T: Ano ba ang mga bot?

  • S: Ang bot ay ang pinaikling salitang robot o "tau-tauhan". Sa Wikipedia, tumutukoy ito sa mga awtomatikong programa na awtomatikong gumagawa ng mga gawaing paulit-ulit at lubhang nakakapagod kung gagawin ng manu-mano o kinakamay. May tagagamit ng Wikipedia na nagmamay-ari ng bot. Isa itong hiwalay na kuwenta o akawnt na kaugnay sa nagpapatakbo o nagpapaandar ng bot. Para sa paglikha ng bot basahin ang Wikipedia:Patakaran sa bot, Usapang Wikipedia:Patakaran sa bot, at en:Wikipedia:Creating a bot; para naman sa paghiling ng paglikha ng isang bot, pumunta sa en:Wikipedia:Bot requests. (Pansamantalang nakakawing sa Ingles muna ang mga ito sa ngayon, maliban sa dalawang naunang kawing na nasa Tagalog na.)