Ernest Rutherford
Ernest Rutherford | |
---|---|
Kapanganakan | 30 Agosto 1871[1]
|
Kamatayan | 19 Oktubre 1937[1]
|
Libingan | Westminster Abbey[2] |
Mamamayan | New Zealand[3] |
Nagtapos | Unibersidad ng Canterbury[1] Unibersidad ng Cambridge[1] Trinity College[1] |
Trabaho | kimiko,[1] pisiko,[1] propesor,[4] politiko, propesor ng unibersidad |
Pirma | |
Si Ernest Rutherford, unang Baron Rutherford ng Nelson,[5] OM, PC, FRS (Agosto 30, 1871 – Oktubre 19, 1937), ay isang pisikong nukleyar mula sa New Zealand. Isa rin siyang Britaniko.[6] Kilala siya bilang "ama" ng pisikang nukleyar, itinatag ang teoriyang orbital ng atomo. Kasama ni Hans Geiger, inimbento nila ang aparatong Geiger, isang aparatong panukat ng radyasyon, noong 1908.[7]
Pinag-aralan ni Rutherford ang mga atomo sa pamamagitan ng pagbaril sa mga ito ng mga sinag na alpha. Noong 1911, natuklasan ni Rutherford na binubuo ang atomo ng mas maliliit pang mga partikulo. Napag-alaman rin niya noong 1911 na napapatalbog ang mga sinag na alpha ng isang matigas na partikulong nasa gitna ng atomo. Ang matigas na partikulong ito ang tinatawag na nukleyo o nukleyus ng atomo, na naglalaman ng mas maliliit pang mga partikulong kilala bilang mga proton. Pagkaraan ng anim pang mga taon, nahati niya ang atomo sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang mga partikulo ng nitrohenong gas mula sa atomo. Sa kalaunan, nahati pa ni Rutherford ang mga atomo ng nitroheno sa pamamagitan ng pagbaril ng mga sinag alpha upang matanggal ang ilang mga proton mula sa mga nukleyo, na nagbigay ng mga atomo ng oksiheno. Ito ang unang pagkakataon kung kailan nagbago ang isang elemento at naging iba pang elemento (nitroheno na naging oksiheno).[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Ernest Rutherford". Nakuha noong 29 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.westminster-abbey.org/our-history/famous-people?collection=wma-people&query=ernest+rutherford.
- ↑ "Earnest Rutherford". Nakuha noong 29 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ernst Rutherford". Nakuha noong 29 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cline, Barbara Lovett. "Ernest Rutherford," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693
- ↑ 6.0 6.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who First Split the Atom?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 54. - ↑ "Geiger counter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.