Ika-19 na dantaon
Milenyo: | ika-2 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 1800 dekada 1810 dekada 1820 dekada 1830 dekada 1840 dekada 1850 dekada 1860 dekada 1870 dekada 1880 dekada 1890 |
Ang ika-19 (labinsiyam) na dantaon (taon: AD 1801 – 1900),ay isang siglo na nagsimula noong Enero 1, 1801, at nagtapos noong Disyembre 31, 1900.
Nagkaroon ng malaking pagbabagong panlipunan ang ika-19 na siglo; binuwag ang pagkaalipin, at ang Una at Ikalawang Rebolusyong Industriyal (na sumasanib sa ika-18 at 20 mga siglo, sa ganoong pagkakaayos) na nagdulot sa malawakang urbanisasyon at mataas na antas ng produktibidad, kita at kaunlaran. Nabuwag ang Islamikong Imperyo ng pulbura at dinala ng imperyalismong Europa sa pamamayaning kolonyal ang karamihan ng Timog Asya, Timog-silangang Asya at halos lahat ng Aprika.
Pangkalahatang tanaw
Unang lumabas ang elektroniks sa ika-19 na dantaon, kasama ang introduksyon ng electric relay noong 1835, ang telegrapiya at ang protokol nitong kodigong Morse noong 1837, ang unang pagtawag sa telepono noong 1876,[1] at ang unang gumaganang bombilya noong 1878.[2]
Isang panahon ang ika-19 na dantaon ng mabilis na siyentipikong pagtuklas at imbensyon, na may mahahalagang mga ginawa sa mga larangan ng matematika, pisika, kimika, biyolohiya, elektrisidad, metalurhiya na nagbigay daan sa mga pagsulong ng teknolohiya sa ika-20 dantaon.[3] Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa Gran Britanya at kumalat sa lupalop ng Europa, Hilagang Amerika at Hapon.[4]
Mga dekada
Dekada 1800[A]
Kaganapan
- 1804: Disyembre 2 - Koronasyon ni Napoleon I ng Pransiya
Kapanganakan
- 1809: Pebrero 12 - Charles Darwin, tagapagsimula ng teoriya ng ebolusyon sa pamamagitan ng likas na pagpili (namatay 1882)
Dekada 1810
Kaganapan
- 1819: Enero 29 – Lumapag si Thomas Stamford Raffles sa pulo ng Singapore.
- 1819: Pebrero 6 – Isang pormal na kasunduan, sa pagita nina Hussein Shah of Johor at Thomas Stamford Raffles na isang Briton, ang nagtatag ng isang paninirahang kalakalan sa Singapore.
Kapanganakan
- 1811: Marso 20 - Napoleon II, pinagtatalunang Emperador ng Pransya na anak nina Emperador Napoleon I at Emperatris Marie Louise (namatay 1832)
Kamatayan
- 1819: Enero 20 - Carlos IV ng Espanya, Hari ng Espanya. (ipinanganak 1748)
Dekada 1820
Kapanganakan
- 1820: Enero 17 - Anne Brontë, isang Ingles na manunulat (namatay 1849)
- 1820: Mayo 27 - Mathilde Bonaparte, isang Italyanong prinsesa (namatay 1904)
Kamatayan
- 1821: Napoleon I, Pranses na estadista at pinuno ng militar (ipinanganak 1769)
- 1826: Hulyo 4
- Thomas Jefferson, Ika-3 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1743)
- John Adams, Ika-2 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1735)
- 1827: Marso 26 — Ludwig van Beethoven, kompositor (ipinanganak 1770)
Dekada 1830
Kapanganakan
- 1830: Oktubre 10 - Isabel II ng Espanya, Reyna ng Espanya. (namatay 1904)
- 1837: Pebrero 9 - José Burgos, Pilipinong pari ng Gomburza (namatay 1872)
Kamatayan
- 1831: Hulyo 4 - James Monroe, ika-5 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1758)
- 1836: Hunyo 28 - James Madison, ika-4 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1751)
Dekada 1840
Kapanganakan
- 1845: Mayo 30 - Amadeo I ng Espanya, Hari ng Espanya. (namatay 1890)
Kamatayan
- 1841: Abril 4 – William Henry Harrison, ika-9 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1743)
- 1845: Hunyo 8 - Andrew Jackson, ika-7 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1767)
- 1848: Pebrero 3 - John Quincy Adams, ika-6 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1767)
- 1849: Hunyo 15 – James K. Polk, ika-11 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1795)
Dekada 1850
Kapanganakan
- 1853: Vincent van Gogh - pintor na Olandes (namatay 1890)
Kamatayan
- 1850: Hulyo 9 - Zachary Taylor, ika-12 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1784)
- 1855: Pebrero 23 - Karl Friedrich Gauss, isang Aleman na matematiko at siyentipiko (isinilang 1777)
Dekada 1860
Kapanganakan
- 1861: Enero 28 - Julian Felipe, Pilipinong kompositor ng Lupang Hinirang (namatay 1944
- 1861: Hunyo 19 - Jose Rizal, Pilpinong nasyonalista at polymath (namatay 1896)
- 1863: Nobyembre 30 - Andres Bonifacio, Pilipinong Ama ng Katipunan (namatay 1897)
- 1869: Marso 22 – Emilio Aguinaldo, unang Pangulo ng Pilipinas (namatay 1964)
Kamatayan
- 1862: Enero 18 - John Tyler, ika-10 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1790)
- 1862: Pebrero 20 - Francisco Baltazar, isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula (isinilang 1788)
- 1862: Hulyo 24 – Martin Van Buren, ika-8 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1782)
- 1865: Abril 15 – Abraham Lincoln, ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1809)
- 1868: Hunyo 1 - James Buchanan, ika-15 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1791)
- 1869: Oktubre 8 – Franklin Pierce, ika-14 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1804)
Dekada 1870
Kapanganakan
- 1871: Agosto 30 - Ernest Rutherford, ama ng pisikang nukleyar (namatay 1937)
- 1878: Agosto 19 – Manuel L. Quezon, unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (namatay 1944)
- 1878: Setyembre 9 – Sergio Osmeña, ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (namatay 1961)
- 1878: Setyembre 25 - Lope K. Santos, ang "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas (namatay 1963)
Kamatayan
- 1872: Pebrero 17 – sina Padre Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos at Jacinto Zamora, mga Pilipinong Martyr na mas kilala bilang GOMBURZA
- 1874: Marso 8 - Millard Fillmore, ika-13 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1880)
- 1875: Hulyo 31 - Andrew Johnson, ika-17 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1804)
Dekada 1880
Kapanganakan
- 1880: Hunyo 27 - Helen Keller, isang bingi at bulag na Amerikanong may-akda, aktibista at taga-panayam (namatay 1968)
- 1881: Enero 23 - Kliment Vorošilov, isang komander at politikong Sobyet (namatay 1969)
- 1881: Oktubre 25 - Pablo Picasso, isang Kastilang pintor at eskultor (namatay 1973)
- 1881: Nobyembre 28 - Stefan Zweig, Austriyanong manunulat (namatay 1942)
Kamatayan
- 1881: Pebrero 5 - Thomas Carlyle, isang taga-Scotland na mananaysay, satiriko, at dalubhasa sa kasaysayan (isinilang 1795)
- 1881: Setyembre 19 – James A. Garfield, ika-20 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1831)
- 1882: Abril 19 - Charles Darwin, tagapagsimula ng teoriya ng ebolusyon sa pamamagitan ng likas na pagpili (natural selection) (ipinanganak 1809)
- 1885: Hulyo 23 - Ulysses S. Grant, ika-18 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1822)
- 1886: Nobyembre 18 - Chester A. Arthur, ika-21 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1829)
Dekada 1890
Kaganapan
- 1896: Agosto 23 – Sinumulan ng Sigaw ng Pugad Lawin ang Himagsikang Pilipino
- 1897: Agosto 31 - ang simula ng pagpapakilala ng pelikula sa Pilipinas sa Salón de Pertierra sa Maynila.
- 1898: Pebrero 15 - Digmaang Espanyol-Amerikano: Pinasabog at lumubog sa daungan ng Havana sa Cuba ang USS Maine ng Estados Unidos, na ikinamatay ng 266 na katao. Idinulot ng pangyayaring ito ang pagdedeklara ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya.
- 1898: Hunyo 12 - Inihayag ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
- 1898: Agosto 12 - Digmaang Espanyol-Amerikano: Nagwakas ang tensiyon sa pagitan ng mga Amerikano at mga Espanyol na sundalo sa Cuba.
- 1898: Disyembre 10 - Nilagdaan ng Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris, na tuluyang nagwakas sa Digmaang Espanyol-Amerikano
- 1899: Enero 21 - Pinagtibay ang konstitusyon ni Emilio Aguinaldo na nakilala bilangSaligang-Batas ng Malolos.
Kapanganakan
- 1890: Nobyembre 16 – Elpidio Quirino, ika-6 Pangulo ng Pilipinas (namatay 1955)
- 1891: Marso 9 - Jose P. Laurel, isang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945 (namatay 1959)
- 1892: Enero 1 - Manuel Roxas, dating pangulo ng Pilipinas (namatay 1948)
- 1892: Mayo 30 - Fernando Amorsolo, Pambansang Artista ng Pilipinas (pagpipinta) (namatay 1972)
- 1896: Marso 6 - Norodom Suramarit, hari ng Cambodia (kamatayan 1860)
- 1896: Hulyo 16 - Trygve Lie, Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa (Kamatayan 1968)
- 1896: Agosto 27 – Kenji Miyazawa, makata, manunula ng panitikang pambata at agronomong Hapon (kamatayan 1933)
- 1896: Setyembre 25 - Alessandro Pertini, ang ikapitong Pangulo ng Republika Italyano (kamatayan 1990)
- 1896: Nobyembre 4 - Carlos P. Garcia, ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (kamatayan 1971)
- 1897: Agosto 26 - Yun Po-sun, Pangulo ng Timog Korea (namatay 1990)
Kamatayan
-
Hen. Antonio Luna
-
Hen. Gregorio del Pilar
- 1890: Enero 18 - Amadeo I ng Espanya, Hari ng Espanya. (ipinanganak 1845)
- 1893: Enero 17 - Rutherford B. Hayes, ika-19 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1822)
- 1896: Enero 20 – Graciano López Jaena, Pilipinong manunulat (ipinanganak 1856)
- 1896: Mayo 20 - Clara Schumann, kompositor (kapanganakan 1819)
- 1896: Hulyo 4 – Marcelo H. del Pilar, manunulat at mamamahayag (ipinanganak 1850)
- 1896: Agosto 10 – Otto Lilienthal, Alemang tagapagbunsod ng abasyon (kapanganakan 1848)
- 1896: Oktubre 11 - Anton Bruckner, kompositor (kapanganakan 1824)
- 1896: Nobyembre 25 - Ichiyō Higuchi, nobelista at (kapanganakan 1872)
- 1896: Disyembre 10 – Alfred Nobel, imbentor ng dinamita at taga-gawa ng Gantimpalang Nobel (kapanganakan 1833)
- 1896: Disyembre 30 – Jose Rizal, Pilipinong nasyolista at polymath (ipinanganak 1861)
- 1897: Mayo 10 – Andres Bonifacio, Pilipinong Ama ng Katipunan (ipinanganak 1863)
- 1899: Abril 6 – Emilio Jacinto, Pilipinong Utak ng Katipunan (ipinanganak 1875)
- 1899: Hunyo 5 – Antonio Luna, Unang Pilipinong Heneral ng Republika ng Pilipinas (Ipinanganak 1866)
- 1899: Disyembre 2 – Gregorio del Pilar, pinakabatang Pilipinong Heneral at Bayani ng Pasong Tirad (Ipinanganak 1875)
- 1899: Disyembre 7 – Juan Luna, Pilipinong pintor (ipinanganak 1857)
Taon
1900
- Setyembre 13 – Digmaang Pilipino–Amerikano – Labanan sa Pulang Lupa: nilabanan ng mga Pilipino ang isang partido ng mga sundalong Amerikano.
- Setyembre 17 – Digmaang Pilipino–Amerikano – Labanan sa Mabitac: tinalo ng mga Pilipino sa ilalim ni Juan Cailles ang mga Amerikano, sa ilalim ni Kolonel Benjamin F. Cheatham.
Mga pananda
- ↑ Maliban sa 1800
Mga sanggunian
- ↑ "The First Telephone Call". www.americaslibrary.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-22. Nakuha noong 2015-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dec. 18, 1878: Let There Be Light — Electric Light". WIRED (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2016. Nakuha noong 4 Marso 2017.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Encyclopædia Britannica's Great Inventions (sa Ingles). Encyclopædia Britannica.
- ↑ "The United States and the Industrial Revolution in the 19th Century" (sa wikang Ingles). Americanhistory.about.com. 2012-09-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-23. Nakuha noong 2012-10-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)